Monday, April 27, 2015

Sa iyong ika-dalawampu't isa :D


Bilang ako ay isang natatanging bum sa bahay, I have all the luxury in the world para sulatan ka ng napakahabang sulat hahahaha.


Walong taon na ang nakalipas. At sabi sa kumakalat na "Psychology" post sa facebook, kapag daw lumagpas na sa pitong taon ang inyong pagkakaibigan, forever na raw ito. Eh, naka-walong taon na tayo!!!
Tinalo natin ang lahat ng haters ng Forever nyahahaha! Hindi man siguro base sa totoong study ang Facebook post na iyon, paniniwalaan ko pa rin, panghahawakan ko pa rin, dahil besprends tayo eh (hahaha di ko na maisipan ng rhyme babalikan kita kapag nakaisip na ako)

"'Hindi na kita mahal. Makakaalis ka na." Seven words. 'Yung 8 years namin, tinapos n'ya in 7 words." Sabi ni Mace sa That Thing Called Tadhana. 8 years din sila pero natapos. Tinapos pa in seven words! 
Pero syempre, dedma kay Mace. Walang matatapos na 8 years in 7 words sa pagkakaibigang ito. Wooooo!

galing sa twitter at fb mo nyahahahaha

Tatalon na ako sa gusto kong puntuhin, HAPPY BIRTHDAY MISH! :)
Sa totoo lang, ang dami kong gustong sabihin (e.g. thank you pows, sorry pows, labyu pows, ingat pows, gudlak sa acads pows, say no to drugs pows, God bless you pows, we need peace on earth pows, ang ganda ko pows, magiging awesome sa O.B. ka pows, hello daw sabi ni potpot pows, ang dami kong kwento pows, halika tiangge tayo pows, kain tayo ng siomai sa Savemore pows, misyu pows, i wish you good health pows, many to mention pa pows)
Alam ko naman na alam mo na ito, basta kung kailangan mo lang ako, nasa bahay lang ako at kumakain malamang ng halo-halo. Tara na't kumain sa lahat ng kainan sa Angono!

Nagmahahal,
ang maganda mong friend kc <3


Sunday, April 26, 2015

Nagmamadaling tumanda


Maganda ako, este araw/gabi sa inyo!


Akala ko lilipas ang araw na ito nang normal, chill lang. Hanggang sa nakita ko ito sa aking Facebook link here. (Sobrang dependent na ako sa FB, nakakaiyak) Kung tamad kayong puntahan ang link na binigay ko, i-spoil ko na kayo ha? Isa s'yang video ng grade 7 student na nag-propose sa jowa n'ya...sa loob mismo ng paaralan nila...na napanuod ng maraming estudyante...na wala man lang sumubaybay na teacher...na i-upload sa Facebook...na nasa blog ko na ngayon.

Woohoo success (c) Jason Paul Laxamana

Isa lang ang naisip ko sa napanuod kong video, ang mga kabataan ngayon ay nagmamadaling tumanda. Gusto ng boyfriend/girlfriend, maging "mature" agad at gustong maranasan ang mga ginagawa ng mga nakatatanda. Hindi naman masamang lumaki at mag-asam na tumanda pero namnamin natin ang mga sandali na pwede kang tumunganga na walang magagalit na boss sa iyo, mag-aral, maglaro wantu-sawa, kumain kasama ng iyong mga kaibigan kahit kailan mo gusto at lahat pa ng aktibidades mo ngayong hindi ka pa "matanda". Baka kapag dumating ka na sa panahong ganap na "matanda" ka na at saka mo papangaraping maging bata.


Baby face ako forever,
KC <3









Saturday, April 25, 2015

Kape't Pelikula April 25, 2015


Pagbati sa magaganda at makikisig kong tagasubaybay, (yes ate kc anong pinaglalaban natin?)



(c) Eyn Averion (pasensya naman wala akong sariling picture ng event haha)




Sa bawat pinupuntahan kong seminar/pagpapalabas ng pelikula/lecture/forum, mayroon akong hinahanap. Parang may kulang. Bilang cute lang ako, hindi pa malinaw sa akin kung ano nga ba talaga ang nararamdaman kong kulang. Hanggang sa lumabas ito sa news feed ko sa Facebook.

Malayang talakayan kahit nasa labas na ng pinagdausan ng programa. Ngayon ko lang napagtanto na importanteng mahalaga (yes ate paulit-ulit) ang pakikipag-diskurso sa iyong natutunan sa bawat pinupuntahan mo para matulungan ka nitong mag-isip ng kritikal.

Ang punto ko lang, please naman mga ate at kuya, 'wag na 'wag nating kakalimutan na lang ang mga itinanim sa atin ng mga nagturo at nagsalita sa harap natin. Maari natin itong tanggapin o kontrahin, depende sa iyong paniniwala, ngunit dapat buhay ang pakikipagdiskurso para maipakita ang iba't ibang perspektibo tungkol sa mga bagay-bagay sa ating lipunang ginagalawan.


P.S. Iba talaga epekto sa akin kapag mga taga-UP ang speakers, iba ang level ng pagsasalita ng Filipino, nakatutuwa.
P.P.S. Salamat sa UP Cast, kay Kiri Dalena, Richard Bolisay at Sir Nick De Ocampo para sa makabuluhang talakayan sa estado ng pelikula sa Pilipinas. Mabuhay kayo!

Lubhang lumalim ang pagsasalita ng Filipino,
KC <3






Thursday, April 23, 2015

T4y0h nHa lUn6 dAl4WaH


 
Hello, 
         
        Mula sa Jopay hanggang sa Paraan, inaaliw na nitong Mayonnaise ang aking tainga. Hindi ko kinaya ang super duper level ng feelz nitong kantang ito (huhuhuhu). Kung ikaw ang kasalukuyang umaasa, nasasaktan, may one-sided love affair, para sa inyo ito.


Hindi ko maintindihan
Parang wala namang pupuntahan
Ayoko na ng ganito
Nahihirapan ang puso

Oh, tayo na lang dalawa
Tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa
Tayo naman talaga
Tayo na lang dalawa
Tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa
Tayo naman talaga


Hindi ko maintindihan
Tila tayo'y naglolokohan lang
Ayoko na ng ganito
Nasisira na ang ulo

Oh, tayo na lang dalawa
Tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa
Tayo naman talaga
Tayo na lang dalawa
Tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa
Tayo naman talaga

Kung iisipin mo
Ikaw pa yung talo
Sino pa ang niloloko mo?

Tayo na lang dalawa
Tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa
Tayo naman talaga
Tayo na lang dalawa
Tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa

Tayo na lang dalawa
Tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa
Tayo naman talaga
Tayo na lang dalawa
Tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa
Tayo naman talaga

Ayaw mo ba talaga?
Ayaw mo bang magsama?
Ayaw mo lang talaga
Ayaw mo ba talaga?
Ayaw mo ba talaga?
Ayaw mo bang magsama?
Ayaw mo lang talaga
Gusto mo kasi dalawa


P.S. Panuorin ang wasak na live performance ng Mayo rito!
https://www.youtube.com/watch?v=AS8wlec6xCs
P.P.S. 'Di ko alam ang sumanib sa pagkatao ko kung bakit jejemon ang title ng blogpost na ito. 

Umaasa at nagmamahal,
KC



Wednesday, April 22, 2015

Pagbati!


Magandang araw/tanghali/hapon/gabi/madaling araw sa inyong lahat, kung nasaan man kayo sa mundo, binabati ko kayo sa wikang natural sa puso ko! Kaya sorry na lang sa iba hehe.

Sa totoo lang matagal na akong nagsusulat sa aking blog na SportsFanGirl pero pagkatapos ng ilang araw na pagpo-post nawalan ako ng gana at hindi na ito muling binuhay. Talon sa kasalukuyan, napunta ako sa Twitter account ni Richard Bolisay (isa sa mga favorite kong tao sa twitter follow n'yo s'ya @richardbolisay) at nabasa ko ang tungkol sa TinyLetter

subscribe kayo rito pramis masaya ito hahaha

Ito ay parang isang website na pwede kang gumawa ng mga letters, syempre at ipapadala mo ito sa iyong mga subscribers. Naadik ako, nagsulat ako ng nagsulat ng tuloy tuloy, ipinadala sa 15 kong subscribers na nakuha ko lang kasi inimport ko ang contacts ko sa Gmail (ang loser ko d'on). Tinignan ko kung may magbabasa... wow meron naman! Isa nga lang. Tapos napagtanto kong, ako rin ang nagbabasa ng sinusulat ko kasi nakasubscribe pala ako sa tinyletter ko. #napakasakitkuyaeddie

Kaya ito ako ngayon, nagsusulat muli. Sa aking munting blog. Pampalipas oras, kasi sa ngayon ako ay isang opisyal na tambay, naghihintay ng trabahong mahuhulog galing sa langit. Pwede rin namang pagpapalawig (nuks lalim) ng aking pagsusulat, pero seryoso gusto ko lang magsulat kaya ginawa ko ito. Ayaw ko nang matambak lang sa laptop ko lahat ng sinusulat ko at kapag nareformat ito kung sakaling masira ay iiyak na lang ako dahil wala man lang nakabasa ng gawa ko. 

Pagbati sa wasak kong mundo at pag-iisip at sana mag-enjoy kayo sa trip kong ito :)

Nagmamahal,
KC