Pagbati sa magaganda at makikisig kong tagasubaybay, (yes ate kc anong pinaglalaban natin?)
![]() |
| (c) Eyn Averion (pasensya naman wala akong sariling picture ng event haha) |
Sa bawat pinupuntahan kong seminar/pagpapalabas ng pelikula/lecture/forum, mayroon akong hinahanap. Parang may kulang. Bilang cute lang ako, hindi pa malinaw sa akin kung ano nga ba talaga ang nararamdaman kong kulang. Hanggang sa lumabas ito sa news feed ko sa Facebook.
Malayang talakayan kahit nasa labas na ng pinagdausan ng programa. Ngayon ko lang napagtanto na importanteng mahalaga (yes ate paulit-ulit) ang pakikipag-diskurso sa iyong natutunan sa bawat pinupuntahan mo para matulungan ka nitong mag-isip ng kritikal.
Ang punto ko lang, please naman mga ate at kuya, 'wag na 'wag nating kakalimutan na lang ang mga itinanim sa atin ng mga nagturo at nagsalita sa harap natin. Maari natin itong tanggapin o kontrahin, depende sa iyong paniniwala, ngunit dapat buhay ang pakikipagdiskurso para maipakita ang iba't ibang perspektibo tungkol sa mga bagay-bagay sa ating lipunang ginagalawan.
P.S. Iba talaga epekto sa akin kapag mga taga-UP ang speakers, iba ang level ng pagsasalita ng Filipino, nakatutuwa.
P.P.S. Salamat sa UP Cast, kay Kiri Dalena, Richard Bolisay at Sir Nick De Ocampo para sa makabuluhang talakayan sa estado ng pelikula sa Pilipinas. Mabuhay kayo!
Lubhang lumalim ang pagsasalita ng Filipino,
KC <3

No comments:
Post a Comment