Thursday, May 14, 2015

Simple Lang

Salamat sa nilalang na ito na pumukaw muli ng kakapirangot kong pagmamahal sa pagsusulat ng tula mahal na kita Severo. PLEASE WATCH THE VIDEO, CLICK THE LINK BELOW (spoiler lang baka umiyak kayo baka lang)



Napagawa tuloy ako ng tula hahaha paki-usap pagbigyan n'yo na ako, pangako mag-aaral pa akong magsulat. hehe.

Simple Lang

Simple lang
Hindi naman kumplikado ang hihilingin ko sa iyo
Simple lang
Katulad ng pandesal na isasasaw mo sa mainit na kape
Simple lang
Sana mapagbigyan mo ako sa pakiwari ko
Simple lang naman
Na sana ay mahalin mo ako.

Sa tuwi-tuwina na tayo ay magkasama
Naglalakad, paikot-ikot na tila’y walang katapusan
Simple lang ang nais kong gawin
Hawakan ang iyong kamay at matawag kitang akin.

Hindi ko rin maipaliwanag sa iyo
Bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tayo
Pinapaikot mo lang ba ang ulo ko
Pakiusap naman, huwag mong gawin sa akin ito.

Umaga, tanghali, sa hapon man o sa gabi
Ang pagod ko ay napapawi sa pamamagitan ng iyong ngiti
Ngunit kapag naaalala kong hindi kita pwedeng tawaging honey, bebi, o ano pa mang panlambing na pagtatangi
Tila ang mga ngiti ko’y pilit mong binabawi

Simple lang
Sana ay mahalin mo ako
Simple lang
Sana angkinin mo ang puso ko
Simple lang
Sana ay ikaw ay akin at ako ay sa’yo
Simple lang naman hindi ba?
Namamanik-luhod akong umaasa sa’yo.

Sunday, May 3, 2015

Akyat


Gusto ko nang makalimot.
Paano?
Aakyat ka ng bundok?
Iiyak ka hanggang sa kinabukasan?
Magwawala ka?

Wala naman talagang tamang sagot sa paglimot.
Kasi kung meron man,
Sana’y nakalimot na ang lahat.
Kaso hindi ganun eh.

Sinubukan kong umakyat ng bundok.
Nang mag-isa.
Lihis sa dati nating ginagawa.
Masakit pa rin pala.
Ulitin ang mga bagay na
Dati’y nagpapasaya sa ating dalawa.

Sumakay ako sa bus.
Makiling ang ruta ko.
Bagong bundok na aakyatin ko.
Ko na lang, kasi wala na tayo.



Mahirap ang unang hakbang.
Hindi ko mautusan ang aking mga paa.
Para bang gusto n’yang talikuran ang bundok.
Bundok na magpapaalala ng ating masasayang alalaa.

Sa totoo lang, ang bigat palang mamundok ng mag-isa.
Kala ko naman ay magiging masaya.
O siguro malungkot lang ako.
Kasi pati sa pamumundok, ikaw lang ang naiisip ko.

Mabigat, tunay na nakakapagod.
ito ang unang beses na naramdaman ko ito.
ewan ko.
Siguro, hindi ko nararamdaman ang pagod dahil magkasama tayo.

Pero kailangan ko itong maranasan.
Baka sakali’y ako’y matauhan.
Baka ito na ang unang paraan.
Para kita’y makalimutan. 

(disclaimer, I do not climb mountains yet, so hindi ako ito huehue)