Sunday, May 3, 2015

Akyat


Gusto ko nang makalimot.
Paano?
Aakyat ka ng bundok?
Iiyak ka hanggang sa kinabukasan?
Magwawala ka?

Wala naman talagang tamang sagot sa paglimot.
Kasi kung meron man,
Sana’y nakalimot na ang lahat.
Kaso hindi ganun eh.

Sinubukan kong umakyat ng bundok.
Nang mag-isa.
Lihis sa dati nating ginagawa.
Masakit pa rin pala.
Ulitin ang mga bagay na
Dati’y nagpapasaya sa ating dalawa.

Sumakay ako sa bus.
Makiling ang ruta ko.
Bagong bundok na aakyatin ko.
Ko na lang, kasi wala na tayo.



Mahirap ang unang hakbang.
Hindi ko mautusan ang aking mga paa.
Para bang gusto n’yang talikuran ang bundok.
Bundok na magpapaalala ng ating masasayang alalaa.

Sa totoo lang, ang bigat palang mamundok ng mag-isa.
Kala ko naman ay magiging masaya.
O siguro malungkot lang ako.
Kasi pati sa pamumundok, ikaw lang ang naiisip ko.

Mabigat, tunay na nakakapagod.
ito ang unang beses na naramdaman ko ito.
ewan ko.
Siguro, hindi ko nararamdaman ang pagod dahil magkasama tayo.

Pero kailangan ko itong maranasan.
Baka sakali’y ako’y matauhan.
Baka ito na ang unang paraan.
Para kita’y makalimutan. 

(disclaimer, I do not climb mountains yet, so hindi ako ito huehue)

No comments:

Post a Comment