Salamat sa nilalang na ito na pumukaw muli ng kakapirangot kong
pagmamahal sa pagsusulat ng tula mahal na kita Severo. PLEASE WATCH THE
VIDEO, CLICK THE LINK BELOW (spoiler lang baka umiyak kayo baka lang)
Napagawa tuloy ako ng tula hahaha paki-usap pagbigyan n'yo na ako, pangako mag-aaral pa akong magsulat. hehe.
Napagawa tuloy ako ng tula hahaha paki-usap pagbigyan n'yo na ako, pangako mag-aaral pa akong magsulat. hehe.
Simple Lang
Simple lang
Hindi naman kumplikado ang hihilingin ko sa iyo
Simple lang
Katulad ng pandesal na isasasaw mo sa mainit na kape
Simple lang
Sana mapagbigyan mo ako sa pakiwari ko
Simple lang naman
Na sana ay mahalin mo ako.
Sa tuwi-tuwina na tayo ay magkasama
Naglalakad, paikot-ikot na tila’y walang katapusan
Simple lang ang nais kong gawin
Hawakan ang iyong kamay at matawag kitang akin.
Hindi ko rin maipaliwanag sa iyo
Bakit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tayo
Pinapaikot mo lang ba ang ulo ko
Pakiusap naman, huwag mong gawin sa akin ito.
Umaga, tanghali, sa hapon man o sa gabi
Ang pagod ko ay napapawi sa pamamagitan ng iyong ngiti
Ngunit kapag naaalala kong hindi kita pwedeng tawaging honey, bebi, o ano pa mang panlambing na pagtatangi
Tila ang mga ngiti ko’y pilit mong binabawi
Simple lang
Sana ay mahalin mo ako
Simple lang
Sana angkinin mo ang puso ko
Simple lang
Sana ay ikaw ay akin at ako ay sa’yo
Simple lang naman hindi ba?
Namamanik-luhod akong umaasa sa’yo.




